SOBRANG DAMI KONG FEELS KAILANGAN I-BLOG. (Lakas maka freshie :p)
- 2:00 pm, nag-start umulan. Nagbibihis palang ako for my 3:00 pm class.
- 2:15 umalis na ko. Kaso sobrang lakas ng ulan, bumalik ulit ako. Para narin kumuha ng tsinelas at maki balita about suspension.
- Eh walang suspension. Pag labas ko ulit ng 2:45, eto bumungad sakin. Medyo hanggang tuhod na yung baha. Ganito kasi sa Caloocan, konting dura lang baha na.
- O ayan. 3/4 nung gulong ng pedicab lubog sa baha. Pinicturan ko kase baka tanungin ako nung prof ko kung bakit ako late. Para may ebidensya.
Kailangan ko kasing pumasok dahil tig- 3 hours yung dalawa kong subjects ngayon. Hirap na pag nagka-absent. #goodstudent #bigyanngmedal
- Kaso puta, pagka sakay ko ng pedicab ulit sa may Tayuman, suspended na daw!! Pero tumuloy parin ako sayang naman lapit ko na. Feeling ko na-weird-uhan yung mga nakakita sakin kasi sila pauwi na, ako papasok palang.
- O ayan pala mga ganap sa UST. Yung nasa taas si Paul Quiambao, yung medyo magaling na photographer sa UST. MEDYO?? :p
Habang tumatawid sa baha. Oha, may picture! Salamat sa paparazzing kumuha nito. #ootd #foldedpants
Pero eto na yung highlight ng araw ko. Pauwi na kami. Lumusong kami sa ga-tuhod na baha sa loob ng UST. May kahalo pa ngang oil na galing sa mga food establishments dun. So yeah, madulas at kumapit sa paa namin yung oil.
Okay na, nakasakay na kami sa LRT. Nakipag siksikan na kami makauwi lang. Dun ako naka-pwesto as in sa may pinto ng train. Eto na, pag hinto sa isang station, syempre may bababa. Medyo nag give way naman ako pero sobrang aggressive ni koya naitulak nya ako! Excited kasi bumaba baka first time nya? Bilang madulas yung tsinelas ko, ayun... NAHULOG YUNG LEFT FOOT KO SA BUTAS. As in paa hanngang hita ko. Gets ba yung butas? Yung maliit na distance between the platform and the train? Yung parang 5 inches lang na pagitan ng platform at train, dun lumusot yung paa ko! Hindi ko rin alam kung pano sya kumasya don. Masyado.
Buti nalang may nagtayo sakin (pagkatapos ng konting sigawan). Sabi nga ni Kim, akala nya daw kung sino. Pagkita nya ako daw pala tapos ang liit ko na =)) Literal na nasa hukay yung isang paa ko eh. Pano nalang kung umandar yung train di ba? Eh di goodbye Philippines na ako. Salamat talaga may naawa sakin haha. Hindi ko naman namukhaan yung humawi sakin kasi ang bilis ng pangyayari. Sayang, ipapapatay ko pa naman kay Mio. Joke.
Eto pala ang natamo kong galos
Medyo masakit ha.
Thank you Lord for my third life!! Last week kasi muntik naman ako mahulog sa fx. As in kalahati ng katawan ko nasa labas na haha tanga ko ba
0 comments:
Post a Comment