Thursday, August 1, 2013

Daily Adventures: LRT, the second time around



Eto na, sumakay ako sa Tayuman. 8 pm, so siksikan, pero walang problema sanay naman na ako. At dahil nga sanay ako, no need kumapit sa handles (pero walang handles sa gitnang part nung train yung nasakyan ko kasi luma), matter of defying gravity lang (ANO DAW??). Dun ako naka-pwesto sa may tapat ulit ng pinto. Edi andar ang LRT. Medyo nainis lang ako kasi yung dalawang istudyanteng katabi ko ang ingay mag-usap. Naka-headset na ako dinig ko parin. Tapos yung tawa ni ate grabe! Alam nyo yung galing sa tiyan na HAHAHA? Ganon eh! Buti sana kung mabango hininga! Nakaharap pa ako sa kanya guys :(((

After ilang stations, medyo madami na nakababa. Ganito ang scene: yung mga nakatayo sa harap ng upuan, kanya-kanyang kapit sa hawakan. Ako nakikisiksik parin sa may tapat ng pinto kasi gusto ko, out of the thousands na bababa sa Monumento, ako yung pinaka mauuna. Ang sarap sa feeling kasi!! Para kang nanalo sa running competition. 

Approaching Monumento na. Medyo maluwag na sa gitna pero hindi parin ako pumunta dun para kumapit sa hawakan. Gusto ko nga mauna lumabas eh bakit ba? Tas biglang huminto yung train. Ako, chill lang. Kinig parin sa music. After ilang seconds, umandar na.... at BIGLANG HUMINTO ULIT. AS IN YUNG BIGLAANG HINTO.

Eto lang naman nangyari sakin:



Simula sa tapat nung pinto, TUMILAPON AKO PAPUNTA SA KABILANG PINTO GUYS. AS IN TUMILAPON AKO!! Una likod! Tignan nyo yung pic sa taas!!! As in from door to door talaga!! (Pero mas mahaba pa yata jan yung linakbay ko! Basta alam nyo na yung distance kung nakasakay na kayo ng LRT!) Tapos puta yung katabi ko, akala yata unan ako!!!! Daganan daw ako?????? As in napa-upo ako!! Kaya hindi ako naka-hawak sa mga tao kasi bale parang tinutulak nya ako! Tas feeling ko nag-slow mo! As in parang pelikula guys :(((

AT HINDI MAN LANG NAG-SORRY. Naka-ngiti pa habang tinatayo sarili nya!!

Ako naman, tuloy tayo rin. Pero yung feeling na lahat ng tao dun naka tingin sayo :((((((( yung isa tumuturo pa sakin parang sabi "ang layo ng narating oh" PAKYU PO.

#TUHOGLEVELS :((

Sana wala akong kasabay na Thomasian. Nakakahiya :( baka ma-post ako sa overheard group :( HAHA

Ano pa kaya ang next adventures ko sa LRT?

Abangan(?) jk sana last na to :(((

PS. Wala naman ako natamong galos. Medyo naubos lang yung kahihiyan ko.

LESSON: Wag na sumakay ng LRT! Mag jeep nalang! Kidding aside, humawak sa handles. Wag pa-badass :p

*photo credit to the owners*

0 comments:

Post a Comment